Skip to content
  • Home
  • Forum
  • Add New Forum Topic
  • Login
  • Register
  • My Account
  • Logout

OFW TALK

News for Overseas Filipino Workers

  • Editors’ Choice
  • News
  • Hong Kong
  • Philippine
  • Funny
  • Toggle search form

DOLE inirekomenda ang no-quarantine sa mga pauwing OFW mula green-listed countries

Posted on October 15, 2021October 15, 2021 By adminkate

MAYNILA – Inirekomenda ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Inter-Agency Task Force (IATF) on COVID-19 response na gawing mas maluwag na ang quarantine period sa mga pauwing overseas Filipino workers (OFW). 

Sa virtual forum ng ahensya, sinabi ni Labor Secretary Silvestre Bello III na nasa IATF na ang kanilang rekomendasyon at pag-apruba na lang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hinihintay.

Ayon kay Bello, maaaring hindi na sumailalim sa quarantine ang mga uuwing OFW mula sa mga green-listed countries at negatibo naman sa swab testing.

Maganda-ganda ang balita para sa mga OFW… sa meeting kanina ng IATF, siyempre ito ay recommendatory subject to the approval of the president,” ani Bello. 

  • Philippines revises rules for ‘green’ territories

“Yung mga OFWs kapag galing sila sa green listed countries, pagdating dito…ipi-PCR test sila ‘pag negative sila puwede na silang umuwi sa kanilang mahal sa buhay… Kung galing naman sa yellow ay 5-days lang ang quarantine,” dagdag ng opisyal. 

Kumpiyansa si Bello na agad na aaprubahan ng Pangulo ang kanilang rekomendasyon para sa mas maluwag na quarantine protocols sa mga OFWs.

“Sigurado ako pikit mata si Pangulong Duterte sa pagmamahal sa mga OFW natin (I am sure President Duterte loves our OFWs so much). I am very confident that the president will approve the recommendation of IATF,” sabi niya.

  • PH to lift travel ban on 10 countries starting Sept. 6 amid Delta spread

Sa tala ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), umabot na sa 700,715 ang mga napauwing OFW sa bansa simula nang tumama ang pandemya.

News, ofw

Post navigation

Previous Post: Previous Post
Next Post: test title

OFW News

  • President duterte inspects new medical facility for OFWs in Pampanga
  • HOSPITAL PARA SA OFW, MAGBUBUKAS NA!🇵🇭
  • Ang mga OFW ay Kinakailangang Magbayad ng Kontribusyon sa Pag-IBIG
  • Sec Bello:POEA patuloy na inaayos ang OFW department
  • Mga Paalala sa darating na halalan

Copyright © 2022 OFW TALK.

Powered by PressBook WordPress theme