Skip to content
  • Home
  • Forum
  • Add New Forum Topic
  • Login
  • Register
  • My Account
  • Logout

OFW TALK

News for Overseas Filipino Workers

  • Editors’ Choice
  • News
  • Hong Kong
  • Philippine
  • Funny
  • Toggle search form

Sec Bello:POEA patuloy na inaayos ang OFW department

Posted on April 23, 2022April 23, 2022 By adminkate

Inutusan ni Labor Secretary Silvestre Bello III ang Philippine Overseas Employment Administration na ipagpatuloy ang operasyon habang isinasaayos pa ang bagong Department of Migrant Workers.

Ito’y matapos aniyang magkaroon ng magkasalungat na posisyon ang ilang grupo na maaaring magdulot ng kalituhan at makaapekto sa pagbibigay ng serbisyo sa publiko.

“Under the law that created DMW, maliwanag na ‘yung mga agencies that are supposed to be absorbed by the DMW, will continue to function under the Department of Labor until such time na ma-meet ‘yung 3 condition,” sabi ni Bello sa panayam sa TeleRadyo, Biyernes.

Hindi pa aniya fully constituted ang DMW dahil wala pa itong pondo mula sa 2023 General Appropriations Act, umiiral na implementing rules and regulations (IRR), at staffing pattern.

Sa isang memorandum, pinahintulutan ni Bello si POEA Administrator Bernard Olalia na maglabas ng mga angkop na utos at panatilihin ang operasyon ng ahensiya.

problema-ng-ofw-tinalakay-sa-kongreso

isang hearing sa Kamara noong Miyerkoles, naglabas ng pangamba si Blas F. Ople Policy Center president Susan Ople ukol sa umano’y sigalot sa pagitan ng kampo ni DMW Secretary Abdullah Mama-o at ni Olalia ng POEA ukol sa kung sino ang magpapatupad sa mga polisiya.

Hindi aniya nakakatulong ang sigalot sa pagitan ng mga ahensiya ng pamahalaan sa mga overseas Filipino worker.

Dahil dito, humiling ng opinyon ang migrant workers group sa Department of Justice upang tapusin na agad ang kalituhan.

Nitong Huwebes, sinabi ng POEA na inapubrahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang IRR na binuo ng Transition Committee, na kinabibilangan ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno. Ito’y matapos magsumite rin si Mama-o ng sariling IRR.

Sa ilalim ng inaprubahang IRR, ang POEA administrator office ay magiging Office of the DMW Secretary.

Inaprubahan ni Duterte ang batas para sa paglikha ng DMW noong Disyembre.

ofw

Post navigation

Previous Post: Mga Paalala sa darating na halalan
Next Post: Ang mga OFW ay Kinakailangang Magbayad ng Kontribusyon sa Pag-IBIG

OFW News

  • President duterte inspects new medical facility for OFWs in Pampanga
  • HOSPITAL PARA SA OFW, MAGBUBUKAS NA!🇵🇭
  • Ang mga OFW ay Kinakailangang Magbayad ng Kontribusyon sa Pag-IBIG
  • Sec Bello:POEA patuloy na inaayos ang OFW department
  • Mga Paalala sa darating na halalan

Copyright © 2022 OFW TALK.

Powered by PressBook WordPress theme